Hindi na hinintay ng SEA Games gold medalist na si Carlos Yulo ang pagtatapos ng biennial sporting event para masimulan ang Olympic trainings.

Lumipad na patungong Japan si Yulo, matapos ang kaniyang mga laro sa gymnastics.

“Good morning to all Yulofieds out there 🙂 Already in Japan, have a great day everyone,” wika ni Yulo.

Nabatid na nakakuha si Caloy ng dalawang gold medals at limang silver para sa mga sinalihan niyang laban.

Pero babalik pa ito sa Pilipinas para sa ilang aktibidad, bago ang umpisa ng mas mabigat na ensayo para sa Tokyo 2020 Olympics.