-- Advertisements --

Muling nananawagan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko lalo sa Metro Manila na iwasan ang panic-buying.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na sapat naman ang supply at mabilis lang mapalitan ang mga supply sa supermarkets at pamilihan at makakapasok naman ang mga cargo o mga suppliers mula sa labas ng Metro Manila.

Ayon kay Sec. Lopez, binabalaan din nila ang mga hoarders at mga online sellers na nagsasamantala sa sitwasyon dahil hahabulin sila ng gobyerno.

Pinayuhan din ng opisyal ang mga konsumer na huwag basta bumibili sa mga online sellers lalo ng mga alcohol, sanitizers, mga gamot at vitamins dahil maliban sa adulterated at overpriced, wala rin itong permit mula sa Food and Drugs Administration (FDA).

Tiniyak din ni Sec. Lopez na bukas ang mga malls, mga bangko, mga pamilihan at iba pang business establishments sa Metro Manila sa loob ng quarantine period.