-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Inaresto ang isang Caregiver matapos na masangkot sa pagtutulak ng Iligal na Droga sa Barangay Divisoria, Santiago City.

Ang suspek ay si Ronald Meña, 41 anyos, isang caregiver at residente ng Ramos West, San Isidro, Isabela.

Sa pagtutulungan ng City Drug Enforcement Unit ng SCPO, Station Drug Enforcement Unit ng Presinto Uno, City Intelligence Unit at ng PDEA Region 2 ay inilatag ang isang anti illegal drug buybust operation na nagresulta sa pagkakadakip ni Meña.

Katumbas ng isang libong piso ay nakipagtransaksyon ang suspek sa isang Pulis na nagpanggap na Poseur Buyer bitbit ang isang pakete ng hinihinalang Shabu.

Batay sa record ng mga awtoridad, napag-alaman na dati nang nakulong ang pinaghihinalaan dahil sa kapareho ring kaso noong 2016 at nakalaya taong 2019 sa pamamagitan ng Plea Bargaining.

Inamin naman ng suspect sa kaniyang pagkakasangkot sa pagtutulak ng iligal na droga sa nagdaang taon at paggamit ng ipinagbabawal na gamot

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kakaharapin ng suspect na ipinasakamay sa Santiago City Custodial Facility.