Reading Time: 1 minute

NAGA CITY – Naniniwala ngayon ang mga taga-Canada na hindi na papayagan pa ng Toronto Raptors na maibalik pang muli sa California ang laro sa pagpapatuloy ng NBA Finals ngayong taon.

Sa report ni Bombo International Correspondent Von Canton, umaasa umano ang mga Canadians na tatapusin na ng Raptors ang laro sa Game 5 matapos na talunin muli ng team ang Golden State sa Game 4 sa score na 105-92.

Abot kamay na umano kasi ng Raptors ang tagumpay at tinitingnang bentahe ng mga ito ang homecourt advantage sa darating na Game 5.

Napag-alaman na labis ang kasiyahan ng mga nanonood sa mga pampublikong lugar sa Canada naging resulta ng laro nitong Sabado.

Kaugnay nito, posible umanong maitala muli ang pagtaas ng presyo sa bentahan ng ticket sa darating na laro sa June 11, Huwebes sa Pilipinas.