Nangako ang bansang Canada na mag donate sila ng 200 million doses ng Covid-19 vaccine para duon sa mga mahihirap na bansa sa buong mundo.
Ginawa ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang pahayag sa isinagawang G20 summit summit kahapon, Sabado.
“Canada will donate the equivalent of at least 200 million doses to the COVAX Facility by the end of 2022,” pahayag ni Prime Minister Justin Trudeau.
Sinabi ni Trudeau sa nasabing bilang, 10 million doses ng Moderna vaccine ang
agad ideliver sa mga developing countries.
Nangako din ang Canada na magbigay ng $15 million para tumulong na itaas pa ang vaccine production sa South Africa.
Ayon kay Canadian Deputy Prime Minister and Finance Minister Chrystia Freeland, ang nasabing pondo ay gagamitin sa pagbuo ng “technology transfer center” sa rehiyon para makapag produce sila ng RNA vaccines laban sa COVID-19.
“We do not control production, but by 2022, we are certain that it will be possible to contribute at this level,” pahayag ni Freeland.
Nitong nagdaang buwan ng Agosto, inanunsiyo ng American company na Moderna na plano nilang magtayo ng vaccine manufacturing plant sa Canada, ang kauna-unahang planta sa labas ng United States.
Iniulat din ng Canadian government na nasa tatlong milyon mula sa 40 million doses na donasyon ng Canada ay natanggap na ng COVAX program nuong Sabado at may mga deliveries pa sa susunod na mga araw.