NAGA CITY- Kinumpirma ngayon ng Legal Counsel ng probinsya ng Camarines Norte na kahit pa alisin na ang enhanced community quarantine (ECQ) mananatili parin umanong ipapatupad ang mahigpit na monitoring sa iba’t-ibang lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Don Culvera, sinabi nito na patuloy parin nilang ipapatupad ang mga precautionary measures kahit na alisin na ni Presidente Rodrigo Duterte ang ECQ.
Ito ay upang masigurado na nasa mabuting kalagayan pa rin ang kanilang mga mamamayan.
Ayon kay Culvera kung sakaling bumalik na talaga sa normal ang sitwasyon saka na umano nila aalisin ang nasabing mga panukala na mayroong koneksyon sa paglaban sa COVID-19.
Samantala, nilinaw ni Culvera na lahat ay nabibigyan ng sapat tulong ang mga residente ng probinsya na apektado ng ECQ.