-- Advertisements --
Tatlong paksa ang tinutukan sa ginanap na cabinet meeting sa Malacanang nitong Huwebes.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na kabilang dito ang mga inisyatibo ng Department of Agriculture (DA) para sa seguridad ng pagkain ng bansa.
Nagkaroon din aniya ng presentation si Energy Secretary Raphael Lotilla para sa sapat, accessible at abot kayang presyo ng enerhiya.
Ikatlo aniya sa natalakay ay ang panukalang pambansang pabahay para sa mga Filipino, mula sa inisyatibo ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Ayon kay Angeles, hindi pa siya makapagpalabas ng kumpletong detalye ng mga naging agenda ng cabinet meeting dahil may mga ihahabol pang data sa mga panukalang inilatag kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.