Kinumpirma ng Commission on Appointments na natanggap na nga nila ang mga appointment papers ng bagong talagang Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ngayong Linggo, Oktubre 13.
At maging ang appointment papers ni DTI Secretary Cristina Aldeguer-Roque.
Ayon kay Surigao Del Sur 2nd district Rep. Johnny Pimentel, kahit pa umano natanggap na ang mga kaukulang papeles ni Remulla ay hindi agad mapoproseso ng CA ang mga ito.
Ang mga papeles ay dadaan pa umano sa kongreso kung saan kasalukuyan namang naka bakasyon ang Kamara.
Si Remulla ang pumalit sa pwesto ni dating DILG Secretary Benhur Abalos na nagbitiw sa pwesto dahil tatakbo ito bilang senador.
Sinabi ni Pimentel sa ilalim ng konstitusyon, maaring mag talaga ang Malakanyang ng appointments kahit naka break ang Kongreso at tinatawag ito na ad-interim appointments.