-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Court of Appeals Special 12th Division sa Department of Agriculture (DA) at Land Bank of the Philippines na magbayad ng P28.488 billion na kompensasyon sa mga may-ari ng Hacienda Luisita, Inc (HLI) na pagmamay-ari ng pamilya Cojuangco.

Sa 35 pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Raymond Reynold Lauiagan, kinatigan ng CA ang petition for review ng HLI at ipinag-utos sa respondents na magbayad ng P28,488,944,278.71 bilang just compensation.

Ipinunto nito ang probisyon sa konstitusyon kung saan nakasaad na hindi maaaring kunin ang isang private property para sa public use nang walang makatarungang kompensasyon.

Sinabi din ng appellate court na napatunayan ng HLI na ang halaga ng property ay P1,029,089,933.66 na siyang base amount ng just compensation nang walang interest at iba pang amount due sa mga may-ari ng lupa.

“Since the taking of the land was on Nov. 21, 1989 while payments were made only in 2013 and the payments were less than the P1,029,089,933.66 as adjudged just compensation, HLI should be paid P28,488,944,278.71 as of April 30, 2025, excluding the interests due”, base sa desisyon ng CA.