-- Advertisements --

Lumakas pa ang tropical depression Butchoy habang nasa West Philippine Sea.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 285 km sa kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

Taglay na nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

Pero wala na itong direktang epekto sa alinmang parte ng ating bansa.

Gayunman, magkakaroon pa rin ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa umiiral na hanging habagat.