-- Advertisements --
Nasilat ng Chicago Bulls ang powerhouse team na Brooklyn Nets, 115-107, upang matuldukan ang kanilang kamalasan na anim na sunod na talo.
Nagsama ng puwersa sina Nikola Vucevic na may 22 points at 13 rebounds at si Zach LaVine na nagdagdag ng 25 points upang makaganti sa Brooklyn.
Gayunman hindi pa rin nakalaro ang mga superstars ng Nets na sina James Harden at Kevin Durant.
Doble kayod tuloy ang ginawa ni Kyrie Irving na nagtala ng 24 points at 15 assists na hindi pa rin umubra.
Si Jeff Green ay nagdagdag din ng 21 mula sa bench kung saan ang Nets (34-16) ay naipanalo ang 10 sa huling 12 mga laro.
Hawak naman ng Bulls ang record na 20-28).