-- Advertisements --
Nasilat ng Chicago Bulls and Boston Celtics, 102-96.
Nanguna sa diskarte ng Bulls si Nikola Vucevic na may 29 points at nine rebounds upang tuldukan ang anim na sunod-sunod na panalo ng Celtics.

Sa panig ng Boston, nasayang ang ginawa ni Jayson Tatum na nagtala ng kauna-unahang triple-double performance gamit ang 14 points, 13 rebounds at 10 assists.
Ang Boston (31-27) ay nasa No. 5 ngayon sa Eastern Conference standings habang kabilang sa nangungulelat ang Chicago (24-33).
















