Nagpositibo sa coronavirus ang Bulgarian tennis player Grigor Dimitrov.

https://www.instagram.com/p/CBtKr9dA7wa/

Sa kaniyang social media account sinabi nito na nakuha nito ang virus noong siya ay nasa Monaco.

Nalaman na lamang nito ang pagpositibo sa virus isang linggo matapos ang exhibition game niya kay Novak Djokovic.

Naging bahagi kasi si Dimitrov sa Adria Tour event sa Belgrad kasama si Djokovic, world number 3 Dominic Thiem at Alexander Zverev.