PM Boyco Borrissov
-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si Bulgarian Prime Minister Boyko Borissov.

Dahil dito ay nakaisolate na ito sa kaniyang bahay.

Ipinaalam na rin nila kay US undersecretary of state for economic affairs Keith Krach na kaniyang nakasalamuha nitong Biyernes.

Nauna ng nag-self-isolate ang tatlong cabinet ministers nito ng makasalamuha ang deputy minister na nagpositibo sa COVID-19.

Magugunitang tinanggal na ang quarantine kay Borissov nitong Sabado matapos ang dalawang beses na nagnegatibo sa COVID-19 subalit ito ay nagpositibo muli nitong Linggo.

-- Advertisement --