-- Advertisements --
Bukidnon quake
Bukidnon quake

Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang Bukidnon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic in nature ang nasabing lindol na tumama 9:22 nitong Lunes ng gabi sa 6 kilometers ng northwest sa bayan ng Kadingilan at may lalim ito ng 10 kms.

Naramdaman ang intensity 5 sa Kidapawan City at intensity 4 sa Davao City at Cotabato City.

Nagbabala rin ang Philvolcs na may mga aftershocks na mararamdaman matapos ang nasabing pagyanig.