-- Advertisements --

Sinampolan ng China ang isang building para i-lockdown dahil sa kaso ng COVID-19 bilang bahagi ng kanilang  ipapatupad na Olympic bubble kaugnay sa nalalapit na Winter Games. 

Una rito, naging kontrobersiyal ang biglaang pagpa-lockdown ng gobyerno ng China sa isang office building na ilang minuto lamang ang layo sa mga venue ng Winter Games.

Sinasabing isang kaso lamang ng Omicron variant ang naitala sa naturang building na 15 minuto ang layo mula sa Olympic Park, pero dahil sa matindi na patakaran ng Chinese government na Zero-COVID strategy, maging ang ibang mga empleyado ay nadamay na at na-trap sa ipinasarang gusali.

Todo ngayon ang paghahanda ng mga organizers lalo na at sa susunod na linggo ay unti-unti na ang pagbuhos ng mga atleta mula sa iba’t ibang dako ng mundo, maging sa mga bansang laganap ang Omicron variant.