-- Advertisements --
Screenshot 2020 07 20 18 16 28 20

Bagamat tumangging idetalye ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag ang naging laman ng kanilang pagpupulong ni Justice Sec. Menardo Guevarra ay may hamon naman ito sa mga duda sa pagkamatay ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian.

Si Bantag ay ipinatawag ni Guevarra sa kanyang tanggapan matapos ang pagkamatay ng siyam na inmate kasama na si Sebastian.

Sinabi ni Bantag na kapag mayroong duda sa pagkamatay ni Sebastian ay maglabas na lamang ng ebidensiya.

Samantala, sinagot din ni Bantag ang isyu ng privacy at kung bakit hindi nila inilalabas ang data ng mga namatay sa loob ng NBP.

Aniya, sila na mismo ang nagdesisyon na huwag ilabas ang data para sa kaligtasan ng pamilya ng mga namatay na inmate.