Kumamada si NBA MVP Giannis Antetokounmpo ng 38 points habang tumulong naman si Khris Middleton ng 31 para idispatsa ng Milwaukee Bucks ang New Orleans Pelicans, 129-125.

Ito na ang ika-apat na sunod na panalo ng Bucks para pumuwesto sila sa ikatlo sa first half ngayong season sa Eastern Conference.

cropped Giannis Antetokounmpo

Pinahirapan muna ang Bucks ng Pelicans kung saan umabot sa 15 beses na sila ay nagtabla at 23 palitan ng kalamangan bago nabuo ang 20-13 record ngayon ng Milwaukee.

Samantala sa Pelicans, si Zion Williamson ay nagpakita ng 34 points habang si Brandon Ingram naman ay nagdagdag ng 23.

Bago ang naturang laro merong dalawang magkasunod na panalo ang Pelicans.

-- Advertisement --

Ang next game ng Pelicans ay laban sa San Antonio sa Linggo.

Ang Bucks ay host naman sa harapn nila ng Clippers.