Ikinalungkot at ikinadismaya ng Royal Family ang naging desisyon nina Duke at Duchess of Sussex’s na hindi na nila gagampanan ang kanilang pagiging senior royals duty.

Ayon sa Buckingham Palace, na hindi sila kinunsulta ng mag-asawang Prince Harry at Meghan sa desisyon nila.

Naniniwala sila na maayos din ang anumang kumplikadong isyu.

Magugunitang ipinahayag ng mag-asawa na ilang buwan nilang pinag-isipan ang nasabing desisyon na pagtutuunan na lamang nila ang kanilang oras sa United Kingdom at North America habang patuloy naman nilang bibigyan ng parangal ang kanilang duty sa Reyna, Commonwealth at sa kanilang mga kababayan.