Opisyal nang na-discharge mula sa military ngayong araw ng Martes, June 10 ang dalawa pang miyembro ng sikat na K-pop boy band na BTS na sina Kim Nam-joon o RM at Kim Tae-hyung o V.
Nakumpleto ni RM ang kaniyang 18 buwang mandatory military service sa Hwacheon, Gangwon Province.
Habang nakumpleto naman ni V ang kaniyang mandatory military duty sa Chuncheon, Gangwon Province.
Makikita sa ibinahaging livestream video sa military discharge ng BTS members na sabay na binati nina RM at V ang mga naga-abang na media sa labas ng military training center sa Sinbuk Sports Park, Chuncheon.
Hinandugan naman ng lider ng BTS na si RM ang mga naga-abang na fans at media ng instrumental music gamit ang saxophone.
Sabay na nag-alay ng pagsaludo at pinaunlakan nina RM at V ang mga katanungan mula sa press.
Matatandaan, sabay na na-enlist sa military sina RM at V noong December 2023.
Samantala, nakatakdang ma-discharge na rin mula sa military sina Park Ji-min o Jimin at Jeon Jung-kook o JK bukas, June 11 habang si Min Yoon-gi o Suga na nagsisilbing social service worker ay nakatakdang makumpleto ang kaniyang alternative service sa June 21.
Inaasahan naman ang comeback ng BTS sa huling bahagi ng 2025 o sa unang bahagi ng 2026.