Bumandera ang si Justin Brownlee sa listahan ng Gilas Pilipinas na sasabak sa last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Ayon inilabas na listahan ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na kabilang din sa listahan si June Mar Fajardo at rookie ng koponan na si Mason Amos.
Kabilang sa line-up sina Jamie Malonzo, Calvin Oftana, Ray Parks Jr., Dwight Ramos, Kiefer at Thirdy Ravena, ganun din si Scottie Thompson.
Inilagay din ni Gilas coach Chot Reyes si Filipino-Australian player Jordan Heading at si CJ Perez.
Target ng Gilas na makabawi sa Lebanon na kanilang makakaharap mamayang alas-6 ng gabi sa Philippine Arena.
Nabigo kasi ang Gilas kontra sa Lebanon noong Agosto sa score na 85-81.
Mayroon ng limang panalo at tatlong talo ang Gilas Pilipinas sa Group E kung saan sila ay kuwalipikado na para sa FIBA World na gaganapin din dito sa Pilipinas sa Agosto.