-- Advertisements --

Tiniyak ni British Prime Minister Boris Johnson na hindi nila iiwan ang kanilang mga kaalyado na nasa Afghanistan.

Kasunod ito sa pagkakasakop na ng Taliban ang nasabing bansa.

Sinabi ni Johnson na gagawin nila ang lahat ng makakaya para mailikas ang mga ito sa tamang oras.

Magugunitang binatikos ng ilang mambabatas ng UK si Johnson dahil sa pagpapabaya sa mga mamamayan nila na nasa Afghanistan.

Ayon kay Labour Leader Keir Starmer na isang malaking kahihiyan ang ginawa ng Prime Minister dahil hindi nito alam ang tunay na bilang ng mga naiwan sa Afghanistan.