-- Advertisements --

Inilipat sa intensive care unit (ICU) si British Prime Minister Boris Johnson dahil sa patuloy ang paglala ng sintomas ng coronavirus.

Johnson Boris
Boris Johnson/ IG post

Ayon sa Downing Street na kahit na nasa ICU si Johnson ay buhay naman ang kaniyang kamulatan.

Sa kasalukuyan ay inatasan niya si Foreign Secretary Dominic Raab na maging deputy niya pansamantala.

Magugunitang dinala sa pagamutan nitong Linggo ng gabi si Johnson para suriin ito dahil sa patuloy ang paglala ng sintomas ng coronavirus.

Naramdaman nito ang nasabing sintomas at lagnat ng mahigit 10 araw.

Ayon sa tagapagsalita nito na base na rin sa payo ng mga doctor kaya minabuti na dalhin na lamang ito sa icu ng St. Thomas’ hosptial.

Nauna ng nagpositibo sa virus ang 55-anyos na si Johnson noong Marso 26.