-- Advertisements --

Kinansela na ng British Airways ang mga flight nito mula London Heathrow papuntang Dubai at Doha nitong Linggo kasunod ‘yan ng pambobomba kamakailan ng Amerika sa tatlong nuclear facilities ng Iran.

Ayon sa tagapagsalita ng British Airways, ginawa ang pagbabago sa iskedyul upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at tripulante nito.

Inanunsyo rin ng airline na walang available na flight sa mga ruta na ito mula Linggo at Lunes at magsisimula ang mga booking sa Martes. Hindi pa tinutukoy ng airline kung kailan muling tatakbo ang mga flight.

Samantala maraming airline narin ang nagsimulang magkansela ng mga flight papuntang Middle East tulad ng Tel Aviv at Tehran dahil sa lumalalang sigalot, habang sarado na rin ang airspace ng Iraq, Jordan, at Syria.