-- Advertisements --

Lalong tumindi ang tensyon sa Middle East matapos ang hindi inaasahang hakbang ni U.S. President Donald Trump na bombahin ang tatlong nuclear facilities ng Iran.

Ang hakbang ay matapos ang treaty ng U.S. sa Israel na tinuturing pinakamalaking pag-atake ng west laban sa Iran mula noong 1979.

Nagbabala ang mga eksperto na maaaring gantihan ng Iran ang pag-atake sa pamamagitan ng pagsasara ng Strait of Hormuz —isang makitid ngunit napakahalagang daanan ng langis, kung saan dumadaan ang mahigit 20 million barells ng langis kada araw.

ANO BA ANG STRAIT OF HORMUZ?

Ang Strait of Hormuz, na nasa pagitan ng Iran at Oman, ay kritikal sa pandaigdigang ekonomiya. Kapag isinara ito, inaasahang tataas nang husto ang presyo ng langis sa buong mundo, ngunit tiyak ding maaapektuhan ang Iran, dahil dito rin dumadaan ang karamihan ng kanilang langis.

Nanawagan si U.S. Secretary of states Marco Rubio sa China na bumibili ng halos 90% ng langis sa Iran at hikayatin ang Iran na huwag ituloy ang pagsasara. Aniya, “I encourage the Chinese government in Beijing to call them about that.”

Ayon sa ulat, ilang supertanker ang nag-U-turn na sa lugar dahil sa pangamba ng mas matinding kaguluhan.

Samantala, inaprubahan ng parliament ng Iran ang mungkahing isara ang strait, ngunit ang huling pasya ay nasa kamay pa rin ng kanilang pinakamataas na lider.

Una nang nagbabala ang Foreign Minister ng Iran na ang hakbang ng Amerika ay magkakaroon ng pangmatagalang epekto.