Magsasagawa ng state funeral ang pamahalaan ng Iran para sa mga military commander nito, kasama ang mga top scientist na nasawi sa tinaguriang 12-day war.
Nakatakda ito sa araw ng Sabado, June 28, 2025.
Maalalang nagsimula ang airstrike sa pagitan ng Israel at Iran noong Hunyo 13 kung saan sa unang araw ng giyera ay agad nasawi ang pinuno ng Revolutionary Guards na si Hossein Salami.
Nasundan pa ito ng mga serye ng palitan ng missile na nagresulta sa pagkakasawi ng ilan pang military commanders ng Iran, kasama ang hindi na tinukoy na bilang ng mga syentista – ilan sa kanila ay nagtatrabaho sa mga nuclear site, uranium enrichment site, at ballistic missile program ng naturang bansa.
Batay sa updated report na inilabas ng Health Ministry ng Iran, umabot sa 610 sibilyan ang nasawi sa 12-day war habang mahigit 4,700 katao naman ang nasugatan at patuloy na ginagamot sa mga pagamutan.
Sa official report naman ng Israel, umabot sa 28 katao ang nasawi sa retaliatory attack ng Iran.