-- Advertisements --

Ikinasal na si FPJ Panday Bayanihan Party-list Representative Brian Poe Llamanzares sa nobya nitong si Department of Justice (DOJ) Undersecretary Margarita Gutierrez.

Ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Santuario De San Jose sa Mandaluyong City, nitong Setyembre 8.

Ilan sa mga napiling ninang at ninong sina First Lady Liza Marcos, Senator Tito Sotto, Manila Mayor Isko Moreno, Quezon City Mayor Joy Belmonte at mga negosyanteng sina Ramon Ang, Tessie Sy Coson at Lance Gokongwei.

Ginanap ang reception sa Foro de Intramuros sa lungsod ng Maynila.

Si Llamanzares ay anak ni dating Senator Grace Poe at Neil Llamanzares at apo ni aktor na si Fernando Poe Jr.

Habang si Gutierrez na isang abogado ay naging model at anak ni dating Department of Justice Secretary at Ombudsman Merceditas Gutierrez.