NAGA CITY- Nilinaw ngayon ng Philipine National Police na walang nagyareng anomalya sa isinagawang operasyon laban sa incumbent barangay kagawad sa Buhi, Camarines Sur.
Mababatid na nauwi sa armed confrontation ang nasabing operasyon na ikinasawi naman ng suspek na kinilalang si Kagawad Froilan Oaferina III.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpl Jonah Quien, tagapagsalita ng Buhi Municipal Police Station, sinabi nito na dumaan sa tamang proseso ang pagsisilbi ng search warrant kay Oaferina.
Aniya, binasa pa ng mga awtoridad sa suspek ang search warrant ngunit unang bumunot ng baril si Oaferina at nagpaputok sa mga awtoridad.
Taliwas sa una ng sinabi ng anak ng nasabing kagawad na nagmakaawa ito bago pinagbabaril.
Aniya, itinuturing na high value individual ang nasabing kagawad dahil sa umanoy pagkakaimbwelto nito sa pagbebenta ng mga illegal na armas.
Dagdag pa ni Quien na dati na ring naharap sa unjust vexation at napasama sa OPLAN Katok ng mga awtoridad ang nasabing kagawad.
Sa ngayon naiintindihan naman umano ng ahensya ang naging opinyon ng pamilya tungkol sa naging resulta ng nasabing operasyon.