CAGAYAN DE ORO CITY – Inaresto ng mga personahe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-10) ang isang barangay kapitan dito sa lungsod dahil sa pagkakaroon umano nito ng mga hindi lisensyadong mga armas.

Kinilala ni Lt. Col Napoleon Carpio ng CIDG-10 ang suspek na si Brgy Taglimao Chairman Reuben Obsioma.

Ayon kay Carpio, hinalughog ang bahay ng naturang opisyal dahil sa bisa ng search warrant at nakita ang ilang mga baril na pagmamay-ari umano nito na walang kaukulang dokumento.