-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ni Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri na nag-positibo sya sa COVID-19.

Sa isang Facebook post sinabi ni Zubiri na bagamat nag-test positive sya ay asymptomatic o wala siyang nararamdaman na sintomas ng sakit.

Ayon sa senador, mismong si Health Sec. Francisco Duque ang nagbalita sa kanya ng resulta matapos magpa-test noong Biyernes.

“To my dear fellow Filipinos, my Kababayans. It is with sadness that I announce that I am positive for COVID-19. I had a test taken last Friday while on self-quarantine and this afternoon I received a call from Sec. Duque on my condition.”

Simula noong nakaraang Miyerkules nang magdesisyon si Zubiri na mag-self quarantine matapos lumabas ang ulat na isa sa mga unang nag-positibo sa COVID-19 ay resource person sa isang Senate hearing.

Hindi lang daw makapaniwala si Sen. Zubiri na sa kabila ng kanyang pagiingat at pagpractice ng social distancing ay nahawa pa rin sya ng COVID-19.

As one of those very early on in the Senate who espoused and advocated for stronger Government response on controlling COVID-19, I was very careful in my dealings with people at work in the Senate. I practiced social distancing as well as a no handshake policy but yet I got contaminated. How, I do not know. This just goes to show how easily this virus is spread and therefore it is best for everyone to stay home and stay clean.”

Sa ngayon ia-isolate daw muna ng senador ang sarili mula sa kanyang pamilya sa loob ng 10 araw at susubukan na magpa-test uli para makita kung naka-recover na siya sa sakit.

Nagpaalala naman ang mambabatas sa publiko na makinig sa payo ng pamahalaan at mga eksperto kaugnay ng measures laban sa COVID-19.

Si Zubiri ang kauna-unahang mataas na opisyal ng gobyerno na na-infect ng pandemic virus.