Natapos na rin ang hostage taking sa V-Mall sa Greenhills Shopping Center sa San Juan City matapos ang halos 10 oras.

Mistulang nagsagawa ng press conference ang hostage taker na si Archie Paraymatapos pakawalan ang mga bihag na aabot sa 30 katao.

Inilabas ng dating security guard ang kanyang sama ng loob sa kanyang agency.

Aminado si Paray na noong Disyembre pa niya plinano ang naturang pangho-hostage sa mga empleyado ng mall dahil sa hindi magandang pamamalakad ng kanyang mga boss.

Isa rin sa kanyang hinaing ay umano’y iregularidad sa kaniyang pinagtatrabahuhan at pagmamaliit sa aniya’y mabababang empleyado na gaya niya ang dahilan kaya siya nang-hostage.

Aniya, noong December din niya ipinarating sa Safeguard Armor Security Corporation (SASCOR) ang kanyang hinaing pero binalewala lamang ito.