-- Advertisements --

RIO DE JANEIRO, Brazil – Nagbanta si President Jair Bolsonaro ng Brazil, na kakalas na rin sa World Health Organization (WHO).

Bunsod ito ng hindi raw katanggap-tanggap na mga patakaran sa WHO at iba pang usapin.

Nakukulangan din ang opisyal sa pagtulong ng international body sa kanilang bansa sa paglaban sa COVID-19.

Ang Brazil ay nasa pangalawang pwesto sa mga bansa na may mga kaso ng COVID-19, kung saan 646,006 ang infected sa kanila at 35,047 naman ang mga nasawi.

Habang ang nangunguna sa listahan ay Estados Unidos, kung saan kumalas na rin sa pagsuporta sa WHO si US President Donald Trump.

Ang USA ay mayroon 1,965,708 cases at 111,390 naman ang binawian ng buhay. (AFP)