-- Advertisements --
Itinuturing ngayon sa NBA ang Boston Celtics na pinaka-hardest hit ng COVID-19 outbreak.
Ito ay matapos na umabot na sa 12 players ang isinailalim sa quarantine.
Ngayong araw lima pang players ng Celtics ang ipinasok na rin sa NBA health and safety protocols.
Kabilang sa mga nadagdag sa quarantine ay sina guard C. J. Miles, forward Aaron Nesmith, Justin Jackson, mga centers na sina Enes Freedom at Bruno Fernando.
Nagpadagdag sa kamalasan ng Celtics ay may Christmas day game pa naman sila bukas laban sa defending champion na Milwaukee Bucks.