-- Advertisements --

Nakuha ng Meralco Bolts ang pangalawang sunod na panalo sa PBA Philippine Cup matapos talunin ang San Miguel Beermen 93-87.

Pinahiya ng Bolts ang pagbabalik sa paglalaro ni June Mar Fajardo dahil sa injury.

Napababa ng Beermen sa isang puntos ang kalamangan ng Bolts 42-41 sa pagtatapos ng first half.

Umarangkada ng todo ang Bolts sa pagsisimula ng third quarter kung saan hawak nila ang 74-59 na kalamangan sa pagsisimula ng last quarter.

Nanguna sa Bolts si Chris Newsome na nagtala ng 17 points, anim na assists at dalawang steals habang mayroong 14 points si Aaron Black at 13 points naman ang naitala ni Reynel Hugnatan.