-- Advertisements --

Naitabla ng Meralco Bolts 1-1 ang Best of Seven semifinals series nila ng Barangay Ginebra 103-91 sa 2024 PBA Philippine Cup.

Binuhat ni Allein Maliksi ang Bolts na nagtala ng 25 points habang mayroong 20 points, apat na rebounds at tatlong assists sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena sa lungsod ng Pasay.

Ayon kay Bolts coach Luigi Trillo na marami pang adjustments silang gagawin para sa game 2.

Hindi naging madali para sa Bolts ang panalo dahil sa nakalamang pa ang Ginebra 72-70 sa ilang minutong natitira ng third quarter.

Nasayang ang nagawang 41 points ni Christian Standhardinger at 14 points naman ni Maverick Ahanmisi.