-- Advertisements --
Nanguna sa panibagong panalo ng Utah Jazz si Bojan Bognanovic gamit ang 48 points upang talunin ang Denver Nuggets, 127-120.
Naiposte rin ni Bojan ang career high na walong 3-pointers para sa ikaapat na sunod na panalo ng Jazz.
Habang ang Fil Am star na si Jordan Clarkson ay muling umeksena nang magtala ng 21 points mula sa bench, kasama na ang anim na 3-point shots at walong assists.
Dahil sa panalo nananatili pa ring top team ngayon sa Western Conference ang Utah na naunang nasungkit ang playoff spot.