-- Advertisements --

Naitabla na ng Portland Trail Blazers ang serye sa 2-2 makaraang talunin ang Denver Nuggets, 115-95 sa Game 4 ng kanilang first-round series.

Naging bayani si Norman Powell nang iposte ang kanyang career playoff high na 29 points.

Nagtala rin si Powell ng apat na 3-pointers kung saan nagpasok din siya ng 11 mula sa 15 tira upang maibsan ang minalas na mga tira ng Blazers star na si Damian Lillard na meron lamang 10 points pero meron namang 10 assists at eight rebounds.

Ang serye sa Game 5 sa Miyerkules ay tutungo na sa Denver.

Sa game nitong araw medyo inalat si Nikola Jokic na nagtapos lamang sa 16 points at nine rebounds.