-- Advertisements --
Muli na namang pinadapa ng Portland Trail Blazers ang New Orleans Pelicans sa ikalawang pagkakataon, 101-93.
Sa unang quarter pa lamang umabot na kaagad sa 21 ang puntos ni Damian Lillard na sa pagtatapos ng game ay nakatipon siya ng 36 points.
Tumulong naman si Carmelo Anthony sa kanyang 15 points at si Enes Kanter na nag-ambag ng 16 points at 13 rebounds para sa Blazers (101) kung saan tinalo rin nila ang Pelicans kahapon sa iskor na 125-124.
Samantala, sa Pelicans (17-24) nagpakita si Zion Williamson na may 26 points at 10 rebounds bilang kanyang ika-10th na double-double ngayong season.