Reading Time: 1 minute
Blackwater Elite 2
Blackwater

Pasok na sa top 3 ang Blackwater Elite matapos talunin ang Alaska Aces 112-104 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Mayroon ng 7-4 win-loss record ang Elite na siyang may pinakamataas na nakuha sa kasaysayan ng kaniyang prankisa.

Dahil sa pagkatalo ay wala ng pag-asa ang Aces na makapasok pa sa playoffs na nagtapos ang kanilang kampanya 4-7 win-loss record na katabla ang Phoenix sa pang-walong puwesto.

Nagtulong-tulong naman sa panalo ng Elite sina Roi Sumang, Rabeh Al-Hussaini at rookie player na si Ray Parks.

Pursigido naman si Blackwater coach Aris Dimaunahan na makapasok sa playoffs.