Pinalawak ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang listahan ng mga gamot na hindi sakop ng value-added tax (VAT), na umabot na ngayon sa 2,263 na uri.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang gawing mas abot-kaya at mas accessible ang healthcare para sa lahat ng Pilipino.
Batay sa Revenue Memorandum Circular No. 27-2026, na inendorso ng Food and Drug Administration (FDA) ng Department of Health, kabilang sa VAT-exempt medicines ang 702 cancer drugs, 535 hypertension medicines, 327 diabetes medicines, 300 mental health medicines, 171 gamot para sa high cholesterol, 152 kidney disease treatments, at 76 tuberculosis medicines.
Ang circular ay ipinatupad sa ilalim ng TRAIN Law (Republic Act No. 10963) at CREATE Act (Republic Act No. 11534). Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza, pinabilis ng ahensya ang review at approval ng mga mekanismo upang matiyak ang agarang implementasyon ng mga benepisyo para sa mga Pilipino.
Sa ilalim ng pangangasiwa ni Finance Secretary Frederick D. Go, patuloy na nagtutulungan ang mga attached agencies upang maisakatuparan ang mga hakbang na ito.
Agad nang epektibo ang circular at mananatili hanggang sa magkaroon ng bagong update mula sa FDA.
















