-- Advertisements --
Kinontra ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay ang naging pahayag ni Office of the Solicitor General (OSG) sa pagbabayad nila ng 5% franchise tax ng mga Philippine offshore gaming operators (POGO).
Sinabi ni Dulay na ang franchise tax ng POGO ay epektibo na noong 2017 taliwas sa paniniwala ng Phlippine Amusement and Gaming Corp (PAGCOR) na inihahalimbawa ang pahayag ni Solicitor General Jose Calida noong Disyembre 19, 2018.
Noong nakaraang taon ay sinulatan na rin ng BIR ang OSG sa naging katayuan nila na pagbabayad ng 5% franchise tax ng mga POGO.
Magugunitang maraming mga POGO operators noong nakaraang taon ang umalis dahil labis umanong paniningil ng gobyerno ng mga buwis.