Nagpahiwatig ng kanilang pagbabalik ang sikat na beauty pageant sa bansa na Binibining Pilipinas.

Ito ay matapos na tila naglabas ng teaser ang mga dating beauty queen na sina Catriona Gray at Nicole Cordoves.

Sa kanilang social media post, makikita na may caption dito ang sinsabing pagbabagong gagawin ng 55-anyos na pageant.

Magugunitang binitawan na ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) ang paghawak ng Miss Universe na pinamumunuan na ngayon ni 2011 Miss Universe-Philippines Shamcey Supsup kung saan gaganapin ang pageant sa Oktubre.

Ang Binibining Pilipinas ay siyang namimili na magrerepresenta ng anim na pageant ang Miss Universe, Miss International, Miss Globe International, Miss Supernational at Miss Grand International.

Kinansela rin ng organizer ngayong taon ang national pageant dahil sa coronavirus pandemic.