Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO – Dead on arrival sa pagamutan ang isang binata sa pamamaril sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Nursaud Pagayao Tipas alyas Dagul, 20, residente ng Brgy Sandakan, Sultan Mastura, Maguindanao.

Ayon sa ulat ng pulisya na may inihatid na kaibigang babae ang biktima sa Doña Terresa St., Brgy Poblacion 4, Cotabato City at akma na sana itong pababa sa motorsiklo ng biglang lapitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan sa isang motorsiklo.

Maswerteng hindi tinamaan ang babae at tumakbo habang naisugod pa sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit hindi na umabot ng buhay nang magtamo ng tatlong tama ng bala sa kanyang katawan.

Love triangle ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.