Patuloy umanong naka-monitor si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga developments sa Pilipinas partikular sa isyu ng “ninja cops” kahit siya ay abala sa mga aktibidad sa Russia.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, makakaasa ang taongbayan na pagbabayarin at pananagutin ni Pangulong Duterte ang mga sangkot sa pagpapakalat ng iligal na droga sa bansa kahit pa sila ay nasa gobyerno.
Pero ayon kay Sec. Panelo, hayaan muna ni Pangulong Duterte ang Kongreso na tapusin ang ginagawang imbestigasyon bago ito gumawa ng pormal na aksyon sa isyu ng mga “ninja cops.”
Kaugnay sa nabanggit ni Pangulong Duterte sa Valdai Forum na dalawang heneral ang nananatiling sangkot sa illegal drugs industry, tinutukoy nito ang PNP generals na inakusahang protector ng mga “ninja cops.”
Hihintayin daw ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ni DILG Sec. Eduardo Año kapag natapos na nito ang internal investigation.
“With regard to PRRD’s remarks during the Valdai Forum where he disclosed that there are two generals who are still involved in the illegal drug industry, he refers to the PNP generals who have been accused to have protected the ninja cops. He will wait for the recommendation of the DILG Secretary when he is finished with his internal investigation,” ani Sec. Panelo.