-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inulan ng batikos si Iloilo City Lone District Representative Julienne “Jam-Jam” Baronda at ang Bureau of Fire Protection (BFP)-Region 6 matapos ang nangyaring mass gathering sa inauguration ceremony ng bagong fire substation sa Lungsod ng lloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay BFP Regional Director Atty. Jerry Candido, sinabi nito na hindi niya alam ang executive order ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas na ipinagbabawal ang mass gathering habang nasa modified enhanced community quarantine ang lungsod.

Ani Candido, inaako niya ang responsibilidad at handa itong harapin ang konsekwensyang ipapataw ng Iloilo City Government.

Samantala sa pagkaalam naman daw ni Congresswoman Baronda, pinapayagan ang essential o mahahalagang pagtitipon ng mga government services.

Ngunit humingi rin ng sorry si Baronda at ang BFP Region 6 dahil sa isyu.