-- Advertisements --

Ginawaran ng FIFA si US President Donald Trump ng FIFA Peace Prize.

Ang pagkilala ay matapos ang ginawang pagsulong ng US President ng kapayapaan sa ilang bahagi ng mundo.

Kabilang na ang pagkakasundo ng bansang India at Pakistan at ilan pa.

Pinasalamatan ni Trump ang FIFA sa nasabing pagkilala ganun din ang kaniyang asawang si Melania.

Magugunitang noong Nobyembre ay inanunsiyo ng FIFA na ngayong taon ay sisimulan nila ang pagbibigay ng Peace Awards sa mga tao na gumagawa ng hakbang para magkaisahin ang mga tao sa buong mundo.