-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinalungkot sa karamihan ng mga kapatid na Muslim lalo sa Maranaos ang tuluyang pagpanaw sa itinuring nila na ‘peace advocate’ sa Mindanao na si Agakhan Sharief na kilala rin na bansag na si ‘Bin Laden’ dahil sa iniinda na karamdaman sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ito ang kinumpirma ni Jomalodin Mohammad na nagsilbing isa sa mga opisyal ng Marawi City sa Bombo Radyo na nakaka-kilala rin sa naging papel ni Bin Laden na mapanatili ang katahimikan sa kanilang lugar.

Sinabi ni Mohammad na ilang linggo rin ang pananatili ni Sharief sa Amai Pakpak Medical Center subalit nag-desisyon ito na umuwi na lamang sa bahay hanggang sa tuluyang binaiwan ng buhay dahil sa seryosong karamdaman kagabi.

Si Bin Laden na mayroong kaunting pagkahawig sa kilabot na si late Osama Bin Laden ng international terrrorist group na al-Qaeda sa Gitnang Silingan ay mas nakilala ng husto noong kasagsagan ng Maute-ISIS group occupation sa Marawi City taong 2017.

Ito ay dahil maraming mga sibilyan na Kristiyano at Muslims ang kanyang nailigtas sapagkat mataas ang paggalang ng Maute group kaya napapasok nito ang encounter site para makuha ang trapped civilians noon.

Katunayan napasang-ayon ni Bin Laden ang mga pinuno noon na sina Omar at Abdullah Maute kasama si Asia-based ISIS emir Isnilon Hapilon na magkaroon muna ng ceasefire sa pagitan ng government state forces para hakutin ang mga naiipit na sibilyan.

Ito ang dahilan binigyang pagkilala ng joint government at MILF peace panels ang kontribusyon ni Sharief pagkalipas ng ilang buwan nang napanumbalik na ang kapayapaan sa buong Marawi taong 2018.

Una nang hindi nagustuhan ni President Rodrigo Duterte ang pagsapubliko ng joint govt-MILF team na pagpasok sa conflict zone subalit patuloy ang kanilang koordinasyon at paghingi tulong kay Bin Laden para iligtas mula sa limang buwan na bakbakan ang mga sibilyan.