-- Advertisements --

Inako at humingi ng tawad ni Microsoft co-founder Bill Gates sa mga kawani ng kaniyang charity foundation dahil sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa kontrobersyal na Epstein Files, kung saan inamin nito ang kaniyang extramarital affairs ngunit mariing itinanggi ang partisipasyon sa mga krimen ng yumaong sex offender na si Jeffrey Epstein.

Sa isang town hall meeting kasama ang Gates Foundation staff, inihayag ni Gates na isang malaking pagkakamali ang kanyang pakikipag-ugnayan sa disgraced financier simula noong 2011.

Lumabas ang pangalan ng 70-anyos na tech titan sa mga dokumentong inilabas ng US Justice Department.

Batay sa isang draft email mula kay Epstein, inakusahan nito si Gates ng pakikipagrelasyon sa dalawang babaeng Ruso, na kinumpirma naman ng bilyonaryo.

Gayunpaman, idinepensa ni Gates ang kaniyang sarili laban sa mga ilegal na aktibidad.

Namatay si Epstein sa loob ng kanyang selda sa New York noong 2019 habang hinihintay ang paglilitis sa kasong sex trafficking ng mga menor de edad.