Itinanggi ni US First Lady Melania Trump na ito ay malapit sa namayapang child trafficker na si Jeffrey Epstein.
Sinabi nito na walang anumang katotohanan ang mga lumabas na ulat na naging malapit ito sa Epstein.
Ganun din ay kaniyang pinabulaanan na si Epstein din ang naging susi umano kaya niya nakilala ang US President na si Donald Trump.
Nanawagan na rin ito sa US Congress na magsagwa ng pagdinig sa mga survivors ng sex trafficking ni Epstein.
Hindi rin aniya ito naging biktima ni Epstein kaya malinaw na isang uri lamang na paninira ang lumabas na balita.
Si Epstein ay isang kilalang American Financier at convicted sex offender dahil sa pagpapatakbo ng sex trafficking network kabilang ang mga menor de edad noong 2008.
Naghain ito ng guilty plea sa Florida sa kasong soliciting prostitution from minor at matapos na makulong ng 13 buwan ay nakalaya ito.
Taong 2019 ng muling naaresto ito dahil sa federal trafficking charges at habang nasa kulungan ay kinitil niya ang kaniyang buhay.















