-- Advertisements --

Pumalo na sa 47 ang nasawi habang 50 pa ang nawawala sa Negros Occidental dahil sa pananalasa ng Bagyong Tino.

Ayon sa pinakahuling datos ng Negros Occidental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), 12 ang nasawi sa La Castellana, 7 sa Hinigaran, 6 sa Bago City at Moises Padilla, 4 sa La Carlota City at Binalbagan, 3 sa San Carlos City, 2 sa Murcia, at 1 sa Isabela at Himamaylan.

Patuloy pa ring pinaghahanap ang 50 nawawalang residente.

18 sa kanila ay pinaghahanap sa La Castellana, 11 sa La Carlota City at sa Moises Padilla, 5 sa Bago City, 3 sa Isabela, at 2 sa Hinigaran.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang pagberipika at ang operasyon ng search and rescue ng mga awtoridad sa mga lugar na apektado.